Dear Future Husband,
Magiging ganito ka kaya ka-sweet? Pero hindi naman yata mangyayari ‘to kasi hindi naman ako sanay magluto at wala rin akong interes dun. Pero bahala na, sisikapin ko nalang din siguro. Hindi ko maipapangako sa’yo na maibibigay ko lahat ng gusto mo, pero ko gagawin ko lahat para sa’yo. Mamahalin kita. Iintindihin. Magiging masaya tayo lagi. Ang dami kong gustong gawin kasama ka. Maliligo tayo sa ulan. Manunuod ng sunset. O kaya naman pupunuin natin ng maraming marshmallows yung ref. Okay lang naman sa’yo yun diba? Kahit mag-alaga ako ng napakaraming pusa. Kahit bumili ako ng sandamakmak na stuff toys. Kahit puro sweets ang laman ng ref natin. Kahit ‘yung kwarto natin halos magmukhang library na sa dami ng libro. Ayos lang naman sa’yo yun diba? Alam ko namang papayag ka dun kasi mahal mo ako.
Love,
Your Future Crazy Wife
